Tuesday, April 26, 2011

mahal kita..alam mo ba?

mahal kita..alam mo ba?
iniisip kita
iniintay kung kailan muling makakausap
iniintay ang sandaling ika'y muling magisnan
hinihintay na muling marinig ang iyong tinig

hanggang kailan ako maghihintay?
hanggang pangarap na lang ba?
hanggang sa panaginip?
hanggang sa alaala?

naiisip mo kaya?
nararamdaman?
na minamahal kita..
at ayaw kong ipaalam..

nahihirapan man ako
ito ang dapat gawin
ang itago ang pagibig
ang nararamdama'y itanggi

malaman mo sana
maintindihan ang sinasabi
at sana...sana nga'y pareho ng nararamdaman
at pinipintig ang ating mga puso

No comments:

Post a Comment