Monday, November 1, 2010

CLOUDY DAYS

Walang ulap sa kalangitan
Walang kahit anong tanda ng pagulan
Kay ganda ng hapon
Kay ganda ng panahon


Ngunit di tugma sa'king damdamin
ang puso ko'y nasa ilalim ng ulap na itim
Habang ang mundo'y sumasayaw sa kasiyahan
Ako'y naliligo sa malakas na ulan ng aking kalungkutan


Sa ilalim ng ulan ng aking pagdadalamhati
Sa isang pag-ibig na nasayang ako'y ngasisisi


Sana di sinayang ang panahon
Sana di sinayang ang magandang hapon
Pnahong sana sinabi ko
Wag ka ng umalis sa tabi ko
Di sana nanghihinayang
At ang puso'y masaya ng totoo

No comments:

Post a Comment