Di pinapansin
Isa ka lamang estranghero
Para sa akin ay balewala
Ngunit habang tumatagal
Ako sayo'y nahuhulog na
Di ko inisip na ikaw pala
Ang anghel na nagbibigay pagasa
Bumaba dito sa lupa
Upang ako'y bigyang saya
Nais ko lang iparating
Laman nitong damdamin
Di sinasadyang mahulog
Di sinasadyang ika'y mahalin
Iniisip ka, gabi at umaga
Hinahanap ka,minu-minuto pa
Gusto ko lang malaman mo
Ika'y minamahal ng totoo
Sana'y pagbigyan mahalin mo din
Kahit konti lang
No comments:
Post a Comment